Partielo | Créer ta fiche de révision en ligne rapidement
Lycée
10th Grade

ESP 10 - Q3 REVIEWER

HAMON HINDI PROBLEMA

Sa bawat pagsubok na darating sa ating buhay ay dapat natin itong harapin. Isipin natin na ito ay isang pagsubok na galing sa Diyos na makakatulong sa atin upang paunlarin ang ating sarili. HAMON, HINDI PROBLEMA.

KARUWAGAN AT TAKOT

  • Iba ang karuwagan sa takot. Ang pagiging duwag ay pagsuko sa hamon dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili o sa iba.
  • Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa mga tawag ng halaga.

Definitions

TAKOT
• Kailangang makita ang pinong pagkakaiba ng taong umaayaw sa isang bagay dahil natatakot siya sa hamon o dahil talagang alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya kaya ang hamon. • Maaaring nagmula ang mga internal na babalang ito sa mga hindi kawili-wiling karanasan o sa mga kuwento at paalala ng ibang nakaranas na. Mabuting sundin ang takot na ito.
KARUWAGAN
• Pero iba ang karuwagan. Ang pagiging duwag ay pagsuko sa hamon dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili o sa iba. Nahaharap ka sa isang bagong sitwasyon at dahil bago, agad-agad aatras na lamang at hindi man lang susubukan. • Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa mga tawag ng halaga. Yuyuko at titiklop ang isang duwag sa kaniyang sariling kahinaan. Sa halip na tumingin sa liwanag ng mga dapat, tungkulin, prinsipyo, at pagpapahalaga, ang pagtutuunan ng pansin ay ang dilim ng sariling kahinaan.

KAHINAHUNAN BILANG ANGKOP

Definitions

ANGKOP
• Ang angkop gawin ay akuin ang tungkuling kailangan kong tumugon. Wala nang iba. • Ang angkop ay ang pinakamahusay na magagawa sa isang sitwasyon. Dahil ito ang pinakamahusay, ito ang sukdulan na maaaring gawin ng tao. Ang paggawa sa sukdulan na ito ang pinakamabuting dapat gawin. • Ang angkop ay ang pinakamahusay na magagawa sa isang sitwasyon. Dahil ito ang pinakamahusay, ito ang sukdulan na maaaring gawin ng tao. Ang paggawa sa sukdulan na ito ang pinakamabuting dapat gawin.
  • Ang unang hakbang ay tumugon. Angkop ang tumugon. 
  • Ang pangalawang hakbang ay ang pagsusuri sa kalidad ng itutugon: hindi labis, hindi kulang. Angkop!

ANG ANGKOP BILANG MAKATARUNGAN

  • Ang kahulugan ng katarungan, subukin nating pagmunihan ang salitang "tarong" o "tarung" sa Bisaya na tila salitang ugat ng katarungan. Ang "tarong" tulad ng sa kasabihang. "Magtarong gyud ka!" ay nangangahulugang "umayos," "magmatino," "magpakabuti." Saklaw ng salitang "tarong" ang iba-ibang antas ng kabutihang pinag-aralan 
  • Kung ginagawa ang dapat, nangyayari ang sakto. Sa ganyang paraan nagaganap ang katarungan. Ang paggawa ng makatarungan ay ang angkop.

Definitions

KATARUNGAN
• : ang paglalagay sa ayos ng sarili sa pamamagitan ng pag-iingat at pag-aalaga sa katawan, ang pagkilos ng ayon sa likas na batas moral, at ang makataong pakikipagkapuwa. • , ang pagiging makatarungan (maka- tarung-an) ay pagpanig sa kabutihan, paglagay sa ayos, at pagiging matino sa pag-iisip at pakikiugnay. Para ring sinasabi ng "Magtarong gyud kal" na maging makatarungan ka! Ito ang pinakaangkop na bunga ng pag-aangkop na magagawa ng tao. • . Angkop lagi ang maging makatarungan at kapag pinipili ang katarungan, nagiging angkop ang lahat. • . Ang angkop" ay nauunawaan bilang parehong "dapat" at "wasto. sakto, o tama. Kung ginagawa ang dapat, nangyayari ang sakto. Sa ganyang paraan nagaganap ang katarungan. Ang paggawa ng makatarungan ay ang angkop.

ANG KILOS NG PAMIMILI

  • Kaya't kung malalagay sa sitwasyon na kailangang mamili, ang dapat pilin ay ang tatlong birtud sa itaas: ang katapangan, kahinahunan, at katarungan
  • Ang mga pamimili ay hindi reaksiyon lamang sa mga hinihingi ng kasalukuyan. Tugon ito sa hamon na gawing makabuluhan ang serye ng kahapon, ngayon, at bukas ang kuwento ng ating pagkatao.
  • Hindi namimili sa dalawang dulo, hinahanap ang gitna sa maingat na paghusga.

Definitions

PAMIMILI (ANGKOP)
.• . Ang angkop gawin ay ang tamang timbang ng karuwagan at angas, ang tapat na pagtingin sa kalagayan, at ang wastong pagkilos ayon sa kaayusan, katinuan, at kabutihan. Sa ibabaw ng lahat ng ito ay ang tawag ng pag-aangkop. • . . Ang bawat pagkilos ay kailangan laging angkop. Itong kilos ng pag-aangkop sa pamimili ay tinatawag na prudentia, hiniram sa wikang Latin at prudence sa wikang Ingles. • . Ang mga pamimili ay hindi reaksiyon lamang sa mga hinihingi ng kasalukuyan. Tugon ito sa hamon na gawing makabuluhan ang serye ng kahapon, ngayon, at bukas ang kuwento ng ating pagkatao. • . Ang pagmamatapang, pagkamahinahon, at pagiging makatarungan ay hindi lamang para magawa ang isang partikular na output. Ginagawa ang mga ito dahil sa hinahangad na bunga ng paggawa sa sarili, kapuwa, at kapaligiran. Laging nasasaisip ang malaking larawan (big picture), ang malawakang ugnayan, at ang kabuuang kuwento.
PRUDENTIA
• . Tinúturo sa atin ng prudentia ang pag- aangkop bilang sumasapanahon. Nauunawaan ang prudentia sa Latin bilang isang uri ng pagtingin sa hinaharap (foresight). • Ang prudentia ay hindi lamang upang pangunahan ang mga posibleng epekto ng pagpili, kundi isang pag-uunawa na may isang kuwento ang mga pangyayari sa kahapon at ngayon na siyang magiging bukas. • . Kaya't tinatawag na "ina" ng mga birtud ng katapangan, kahinahunan, at katarungan ang prudentia sapagkat nilalagay nito sa konteksto ng panahon at kasaysayan ang pamimili. • . hinihingi ng prudentia na maging maingat sa paghusga at matino sa pagpasiya. Kailangang maging mulat sa mga partikular na kondisyon ng pagkakataon bago pumili. • . Nagagawa ang pagbuo sa maingat na paghuhusga ng sitwasyon ayon sa pamantayang kailangan at dapat, ng panandalian at pangmatagalan, ng pansarili at panlahatan.

KARUNUNGANG PRAKTIKAL

  • Nagagawa ang pagbuo sa maingat na paghuhusga ng sitwasyon ayon sa pamantayang kailangan at dapat, ng panandalian at pangmatagalan, ng pansarili at panlahatan. 

Definitions

PHRONESIS O KARUNUNGANG PRAKTIKAL (PRACTICAL WISDOM) BY ARISTOTELES
• Iniaangkop ang natututuhan ng isip sa mga pang-araw-araw na gawain. • Ang paghusga ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng mga ideya kundi sa mga kinakailangan ng mga sitwasyon o pangyayari. • . Kailangang isali sa pagtitimbang ang kahandaan ng panahon, mga pangangailangan at kakayahan ng mga tao, at kalagayan ng paligid upang makagawa ng isang maingat na paghusga (prudentia). • . Masasabing mabunga ang paghusga kung nakalilikha ito ng magagandang oportunidad upang magtagumpay at umunlad ang tao.

PAGHUSGA AT PAGPAPASIYA

  • Hindi kailangang makulong sa dalawang pagpipilian. Hindi iyan o iyon ang pipiliin. Hindi isa sa kanilang dalawa.
  • Nasisilayang posibilidad na ito ng "mata ng pag-ibig" (eyes of love) na ayon sa akda ni Bernard Haring, ay ang kakayahang makita ang kalagayan hindi lamang sa perspektibo ng mga pagpipilian kundi sa perspektibo ng makabubuti. 

Definitions

PAGHUSGA
• Ang maingat na paghusga ay paninimbang sa mga nakalatag na kondisyon ng sitwasyon at pag-aangkop ng mga prinsipyo ng kabutihan sa mga ito. Hindi hinuhusgahan ang pagiging tama o mali ng isang bagay batay sa mga prinsipyo ng mabuti at masama. • Ang maingat na paghuhusga ay kilos ng pagpapalitaw sa mabuting nakatago sa sitwasyon at mga pinagpipilian. • Ang pagpapasiya ay hindi simpleng pamimili sa pagitan ng mabuti at masama - laging mabuti ang dapat at kailangang piliin sa kahit na anong kalagayan. • • •